- Sa haba ng pakikipaglaban ni Mayor Angelito M. Sarmiento na umabot sa mahigit kumulang na walong daang araw (800) ay nawakasan na sa pamamagitan ng pagbaba ng EN BANC RESOLUTION ORDER noong September 8, 2009.
- Salamat sa ginawang MANIFESTATION NI VICE MAYOR REYNALDO SAN PEDRO at pitong (7) Konsehal noong ika-25 ng Agosto na tahasang hiniling sa Comelec en banc na ilabas na ang en banc resolution sa kadahilanang patay na ang protestee (Eduardo V. Roquero) at wala ng party na maghahabol.
- Subalit nagulantang ang mamamayan ng San Jose sapagkat ang ating kasama ay pinaninindigan ang kanyang posisyon bilang mayor dahil sa rule of succession.
- Ang rule of succession ay totoo at tama kapag walang protestang nakabinbin.
- Sa kaso po dito sa San Jose del Monte ay nagdesisyon ang Comelec na si nasirang Eduardo V. Roquero ay natalo noong nakaraang May 14, 2007 election sa botong 1,324 ayon sa Comelec Resolution Order ng 2nd Division na inilabas noong March 9, 2009 at si Angelito M. Sarmiento ang tunay na halal na mayor ng San Joseño. At DITO NA PO NATAPOS ANG RULE OF SUCCESSION.
- Naganap po ang proseso sa paghain ng Execution Order ng Dept. of the Interior and Local Gov't (DILG). At katunayan nito ipinatutupad na ng DILG at nagpadala ng sapat na pulisya para pananatilihin ang kapayapaan sa ating lungsod.
- Sa kabila ng lahat ng mga papeles katulad ng: en banc desision ng Comelec, DILG execution order, dismissal order ng Supreme Court para sa TRO, at iba pang papeles na nagsasaad na bumalik na sa dating posisyon bilang vice mayor ay di pa rin ito iginagalang.
- Dahil sa kababaang loob ng ating Mayor Lito Sarmiento ay hinihiling niya sa DILG ang maximum tolerance, kaya umabot ng humigit kumulang na kalahating buwan ang pagbibigay at pang-unawa sa ating kasama na ngayon ay nananatili pa sa itaas ng City Hall.
- Sa kasaluluyan ay si Mayor Angelito M. Sarmiento na ang siyang nagpapatakbo ng ating lungsod at katunayan ay nagpatawag siya ng pagpupulong sa mga Dept. Heads noong Sept. 22, 2009 at may 23 Dept. Heads ang dumalo sa nasabing pagpupulong. At dito ay hinikayat niya ang pagpapatuloy ng serbisyo para sa mamamayan tulad ng Kalusugan, Karunungan, Kabuhayan at Kapayapaan.
- Kaugnay sa pagpupulong na naganap ay inatasan din ni Mayor Sarmiento ang City Treasurer sa agarang paggawa ng tseke ng Payroll PARA SA SWELDO NG MGA EMPLEYADO.
(Ipasa sa iba matapos basahin upang matunghayan ang KATOTOHANAN.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento