Lunes, Oktubre 12, 2009

Isa pa sa resulta ng pagmamatigas ng iilang tao sa CSJDM: posibleng gulo sa lansangan

(Kuha ang mga larawang ito sa Tungkong Mangga, CSJDM.)

Salamat sa hanggang sa ngayon ay hindi pa rin maresolbang isyu ng liderato sa ating lungsod, at dahil pa rin sa patuloy na pagmamatigas ni Vice Mayor Reynaldo San Pedro sa pagkapit-tuko sa City Hall, pati mga motoristang bumabagtas sa ating lungsod ay hindi na alam at nagugulumihanan na sa kung sino ba talaga ang marapat na sundin.

Ito'y bukod sa pag-upo sa posisyon ng LEGAL na Punong Lungsod Angelito M. Sarmiento na nagtalaga na ng mga traffic enforcer na ang uniporme ay dilaw, etong mga tropang Kampi sa pangunguna ni San Pedro ay patuloy pa rin ang pag-eempleyo ng mga naka-berde na syang kulay ng mga uniporme ng mga empleyado nito sa City Traffic Transportation Management Office sa panahon ng nasirang si Eduardo V. Roquero, MD.

At natural lamang na mabahala ang mga residente at motoristang bumabagtas sa mga kalsada ng lungsod, dahil sa bukod sa dalawang grupo nga (DILAW at BERDE). Sabi nga ng ilang mga tsuper ng jeep na bumabagtas sa Quirino Highway at sa Sapang Palay, kung noon pa lamang sa simula ay naresolba na ito at hindi na humantong sa situwasyon ngayon na dalawa ang nakaposisyong mayor ay hindi sana magkakaproblema pati sa pamamahala ng trapiko dahil sa panig nilang mga motorista ay iisa lang ang talagang dapat sundin.

At ang mga grupo ng DILAW at BERDE na traffic enforcer, hindi rin magkatinginan ng deretso o kung doon man lamang magtrabaho sila ng sama-sama. Ayon sa isa sa mga traffic enforcer na naka-dilaw na naka-deploy sa Tungkong Mangga ay kanya-kanya silang teritoryo sa pagsasaayos ng tarpik at sa puntong ito ay hindi talaga sila maaaring pagsamahin, dahil nga sa epekto ng init ng mga kaganapang-pulitikal dito.


Totoo nga, pati ang init ng pulitika ay nakaapekto na rin sa mga grupo ng DILAW at BERDEng traffic enforcers sa Sampol. Nitong nakalipas na linggo lamang, makaraan ang pagdedeploy ni Mayor Sarmiento ng mga bagong traffic enforcers sa Sampol ay sumugod ang mga BERDE boys (aka BERDE BARUMBABOYS) at walang pasubaling hinablot nila ang appointment papers na binigay ni Mayor Sarmiento sa kanila sabay sapak ang inabot ng mga kapatid nating DILAW. Ngunit tulad ng mga sibilisadong mamamamayan dito sa mundo ay hindi na gumanti sa mga BARUMBABOYS ang mga DILAW tulad ng natural na reaksyon sa sitwasyon, dahil ang turo ni Mayor Sarmiento sa kanila ay "batiin nyo pa rin ang inyong mga kaaway, huwag kayo babato kahit na binato na kayo", na siya nga namang tamang reaksiyon.

Saksi rin ang ilang mga vendor at negosyanteng nakapaligid doon sa Sampol sa NAKAKHIYANG kaganapang ito. Sa halip na maghtrabaho etong mga BERDENG BARUMBABOYS na pinapasahod pa rin ng pera ng bayan salamat sa pagmamatigas ng linta na kapit-tuko pa rin sa City Hall sa kabila ng mga atas na magbalik sa tunay na halal na posisyon nito bilang Vice Mayor ay sila pa itong may ganang mag-angas! Kungsabagay animo'y parang ari-arian nila ang Lungsod ng San Jose, na kung saan ito'y pag-aari nating mga San Joseño.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento