Linggo, Oktubre 11, 2009

Dapat masampahan rin ito ng kaso ng USURPATION OF AUTHORITY


Dahil sa kautusan ng DILG (DILG Memorandum dated September 18, 2009 issued by Usec. Austere Panadero) na pagbabalik sa katungkulan ni Vice Mayor Reynaldo San Pedro at ni Konsehal Noli Concepcion, gayundin ang pagrerevert sa dati ng Sangguniang Panlungsod ng San Jose del Monte sa set-up nuong habang nabubuhay pa ang nasirang Mayor Eduardo V. Roquero, MD (2007-2009), ang pagkakahirang bilang konsehal (representing Kampi) ni Eduardo S. Roquero Jr., MD ay napawalang bisa na.

Subalit hanggang ngayon ay napag-alaman namin na hanggang sa mga oras na ito ay umaakto pa rin itong Konsehal, syempre salamat na rin sa bago nilang kakampi na dating kasama ng totoong namumuno sa ating lungsod.

Dapat ay sampahan rin ito ng kasong Usurpation of authority ng DILG dahil sa ilegal nyang panungkulan bilang konsehal, tulad ng hanggang sa ngayon ay ayaw pa ring bumaba sa pwesto na aming kasama.

Mahiya ka naman, Boy! Wag mo nang dungisan pa ang pangalan ng iyong nasirang ama. Umalis ka na dyan, maghintay ka na lang sa 2010! Lumayas ka na bago ka pa makaharap ng demanda...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento